Xander Ford Arizala, Muling Nagpaawa Sa Social Media

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naglabas ng panibagong hanash ang social media personality na si Xander Ford, dahil wala umanong bumati sa kanyang kaarawan.


Ayon kay Xander Ford, malungkot niyang ipinagdiriwang ang kanyang ika-24 na kaarawan dahil tila wala umanong nakakaalala.


Wala man lamang umanong nakaalala at bumati sa kanya para sa kanyang ispesyal na araw. Ipinahayag pa niya na ito ay dahil sa kakulangan niya sa pera.


“Birthday ko bukas. Maski isa, walang tao na bumati sa akin or naalala ako. Ngayon ko lang napagtanto na 'pag wala kang pera, walang tao ang gugustuhin ka maging kaibigan," pahayag ni Xander Ford.


Gayunpaman, positibo si Xander na malalampasan niya ang lahat kahit pa nalimutan na siya ng nakararami at hindi manlamang nakapagparty.


"Happy birthday self. Kaya natin ito kahit wala nang tao ang gustong kasama tayo. Nakaka-miss lang nung panahon na 'di pa ako sikat, palagi akong nag-bibirthday na may kasama kahit hindi magarbo," saad pa ni Xander.


Matatandaan na naunang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Xander Ford nang hindi tumupad sa pangako at hindi sumipot ng content creator na si Christian Merck Gray sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo