Barbie Imperial, Nagreact Sa Pagkakabasura Ng Kasong Isinampa Ni Debbie Garcia Laban Sa Kanya

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng reaksyon ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa desisyon ng fiscal na ibasura ang mga kaso laban sa kanya na isinampa ng sexy actress na si Debbie Garcia.


Matatandaan na nagviral online ang away sa bar sa pagitan ng Vivamax actress na si Debbie Garcia at Kapamilya actress na si Barbie Imperial. 


Kumalat pa ang mga CCTV footage na nagpapakita sa nasabing insedente ngunit hindi naman nilinaw ang dahilan kung bakit ito nangyari.


Agad namang nagsampa ng tatlong reklamo si Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial dahil sa panunugod at pananakit nito sa kanya sa harap ng maraming tao.


Ang mga kasong isinampa ni Debbie Garcia ay slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed.


Subalit, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz update ang kopya ng court resolution kung saan mababasang ibinasura ng piskalya ang reklamo ni Debbie Garcia dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Ayon sa court resolution, hindi naging malinaw sa kuha ng CCTV kung ano ang pinag-ugatan ng nangyari at makikita rin naman umanong agad silang pinaghiwalay ng kanilang mga kasamahan.


“WHEREFORE, in view of the foregoing, the undersigned finds that the charges against the Respondent Barbie Imperial y Concina, alias “Barbie Imperial” for Slight Physical Injuries under paragraph 1, Article 266 of the Revised Penal Code, Grave Oral Defamation under Article 358 of the Revised Penal Code and Grave Slander by Deed be DISMISSED due to INSUFFICIENCY OF EVIDENCE.”


Samantala, nagbigay na ng reaksyon si Barbie Imperial hinggil sa pagkakabasura sa mga isinampang reklamo laban sa kanya ni Debbie Garcia.


Ipinahayag ni Barbie na masaya siya sa desisyon ng piskalya. Noon ay hindi lamang umano siya nagsasalita hinggil sa isyu subalit ngayong binasura na ng piskalya ang mga reklamo laban sa kanya, masasabi na niyang walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.


“Of course, magaan siya for me kasi knowing na hindi ko yun ginawa sa isang tao, tapos lumabas yung balita, parang siyempre hindi na ako proud na ganun yung nangyari.”


Samantala, hindi pa umano makukumpirma ng kampo ni Debbie Garcia ang isyu dahil hindi pa sila nakakatanggap ng resolution. Kung sakaling totoo ito handa umano silang magapela sa desisyon ng piskalya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo