Rendon Labador Mangiyak-Ngiyak Na Nag-Sorry Kay Ben Tulfo Sa Bitag Office!

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Jerome

 


Mangiyak-ngiyak  na humingi ng tawad ang sikat na social media influencer at motivational speaker na si Rendon Labador, sa host ng Bitag na si Ben Tulfo.


Ito ang mga naging pagsisiwalat ni Ben Tulfo sa social media page ng Bitag.


Sa mga larawan naman na ibinahagi ng Bitag sa social media ay makikita si Rendon Labador, na pumunta sa tanggapan ng Bitag.


Ito ay ikinagulat ng maraming mga netizens, dahil ang tigasing si Rendon Labador na palaging naghahamon sa mga artista at vlogger ay tumiklop kay Ben Tulfo. 


Makikita din na tila napaka amo ng mukha ni Rendon habang papasok ito sa opisina ni Ben Tulfo sa tanggapan ng Bitag.


May makikita ding larawan na tinuturo ni Ben Tulfo si Rendon Labador na tila ba pinapagalitan niya ito, sa mga hindi magandang pinagsasabi nito sa social media.


Sabi naman ni Ben Tulfo sa kanyang caption, "RENDON LABADOR, PINATAWAD KO NA! WALA SA ESTILO NG BITAG ANG MAKIPAG-COLLAB!"


"Maayos na pumunta sa aking tanggapan si Rendon Labador. Nagpakumbaba at humingi ng tawad."

 

Dagdag pa niya, "Marunong akong makipagsabayan sa bardagulan at panduduro. Subalit oras na tinanggap ang pagkakamali at humingi ng paumanhin - marapat lang patawarin."


Kaya naman halos hindi nga makapaniwala ang mga netizens tungkol dito, na si Ben Tulfo lang pala ang makakapagpa-amo at makakapagpatiklop sa matapang na motivational speaker at sikat na social media personality na si Rendon Labador.


Agad naman umani ng samu't saring reaction at komento mula sa mga netizens ang post na ito ng Bitag.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo