Pia Wurtzbach At Jeremy Jauncey Ikinasal Na!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ikinasal na sila ng fiancee na si Jeremy Jauncey.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang isang video kung saan makikita ang ilan sa mga heartwarming moments mula sa naganap na intimate beach wedding nila ni Jeremy.


Simple but elegant ang sinuot na white wedding dress ni Pia samantalang naka-suot naman ng skirt na kung tawagin ay kilt si Jeremy. 


Noon pa man ay ipinahayag na ni Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey ang kagustuhang magkaroon ng simple wedding na dadaluhan lamang ng ilang mga bisita. 


Base sa caption ni Pia, noong March 24 pa sila ikinasal ni Jeremy.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa newly weds mula sa mga kaibigan nila sa industriya at mga fans ng beauty queen.


"Aw congrats !! Wishing you guys a lifetime of happiness together!!"


"Yes!!! This video makes me so happy as you guys look so happy! Love you both so much. Congrats."


"Congratulations Ate P!!! So much love in this video"


Sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey ay na-engaged noong May 2022. Unang na-isyung nagdadate ang dalawa noong early 2020.


Noong June 2020 naman, inamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo