Ang Buong Storya Sa Sinapit Ni Gigi De Lana at Tunay Na Lagay Matapos Maaksidente!

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Jerome

 


Maraming mga fans ang nag-aalala ngayon sa kalagayan ng kanilng idolo na si Gigi De Lana, matapos na makumpirma na si Gigi at kasama ng kanyang bandmate ay na sangkot sa isang aksidente sa La Union.


Nangyari ito kahapon lamang May 14, samantala nagbahagi naman ng mga larawan ang Admin ng mismong Facebook page ni Gigi De Lana sa resulta ng nangyaring aksidente.


Makikita talaga sa larawan na malakas-lakas talaga ang impack ng kanilang pagkakabangga, dahil sa nawasak talaga ang harapan ng kanilang sinasakyang van at pumutok na rin ang mga airbag nito.


Kaagad naman silang binigyang atensyong medical ng Regional Medical Center Hospital, at binigyan din  daw umano sila ng pahintulot na makapagperform sa kanilang pupuntahang event sa Ilocos Norte.


Kaya naman sila ay lumipat nalang sa ibang sasakyan at tumuloy na sa kanilang pupuntahan  sa Himala sa buhangin sa Ilocos norte.


Ng magsimula na ang kanilang performance ay makikita naman na masaya si Gigi matapos na nakita ang sobrang dami ng tao na nag-aabang sa kanila.


Ganun paman ay mapapansin din na may cast ang braso ng singer na nagpapatunay na nagkaroon ng pinsala ang kanyang katawan dahil sa kinasangkotang aksidente.


Makikita din sa mga ibinahaging video na kalaunan ay mediyo nag-iba na ang kinikilos ng singer at tila may nararamdaman na siyang hindi maganda dahil sa mapapansin mo na siya ay biglaan na lamang yumuyuko.


Mapapansin din na tila tinitiis niya lang ang kanyang sakit na nararamdaman, ngunit patuloy parin ito sa pagpe-perform.


Kalaunan ay nagulat nalamang ang audience ng hindi na kumibo si Gigi at yumuko na lamang dahil siya ay hinimatay na pala.


Kaya naman itinigil na muna ang pagpapatugtug at kaagad naman na isinugod sa pinakamalapit na hospital ang singer.


Matapos naman nito ay nagsalita na din ang mga organizer ng event, at ayon sa kanila na binigyan daw umanon nila ng payo ang grupo ni Gigi na wag na muna ituloy ang pagpe-perform at ipagpaliban lang muna at i-reschedule nalang.


Maging ang doctor na sumuri at gumamot sa kanila ay ganito din ang sinabi, pero si Gigi daw umano at ang kanyang mga kasamahan ang nagpumilit na ituloy ang kanilang pagpe-perform.


Dahil ayaw daw nila na madismaya ang maraming mga tao na naghintay sa kanila sa event na iyon.


Sa ngayon ay patuloy parin na inu-obserbahan si Gigi at ang kanyang mga kasamahan sa pagamotan.


Nagbigay din ng opisyal na pahayag ang gropo ni Gigi na sila ay babalik para ituloy ang kanilang hindi na tapos na pagpeperform.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo