Whamos Cruz, Ipinatattoo Ang Mata Ni Antonette Gail!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Very proud at masayang ibinahagi ng social media personality at influencer na si Whamos Cruz ang kanyang pagpapatattoo ng mga mata ng kanyang fiancee na si Antonette Gail Del Rosario.


Sa ibinahaging video ni Whamos sa kanyang Facebook account, makikita ang proseso ng pagpapatattoo niya sa isang tattoo artist.


Ayon pa Whamos na halos umabot sa isang oras ang proseso ng kanyang pagpapatattoo.


"Pina-tattoo ko sa dibdib ko si Antonette," pahayag ni Antonette.


Matatandaan na naging kontrobersyal ang relasyon nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario dahil sa pagtutol ng ina ni Antonette sa pakikipagrelasyon ng dalaga kay Whamos.


Umabot pa sa puntong inireklamo ng ina ni Antonette si Whamos sa programa ni Sen. Raffy Tulfo.


Bagama't dumaan sa iba't-ibang pagsubok at panghuhusga, pinatunayan ni Antonette na hindi ang pisikal na anyo ang dapat pagbabasehan ng pagmamahal kundi ang kabutihang loob.


Sa ngayon ay may isang anak na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario na si Baby Meteor. Nagbabalak na ring magpakasal ang dalawa.


Nagkaayos na rin sina Whamos Cruz at ina ni Antonette Gail at tila limot na ang nangyari sa Raffy Tulfo in Action at sa nakaraan.


Bukod sa kanyang nakakaaliw na contents, kilala din si Whamos Cruz sa kanyang advocacy. Ginagamit niya ang kanyang platform raise awareness tungkol sa mga isyung panlipunan tulad ng mental health, cyberbullying, at mga karapatan ng LGBTQ+. 


Nakikipagtulungan din siya sa ilang mga organizations upang suportahan ang iba't ibang layunin at sa pagsagawa ng mga charitable projects.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo