Carmina Villaroel Nagpahayag Ng Isang Cryptic Post Tungkol Trust at Villain!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Kapansin-pansin ang pagbabahagi ng veteran actress-host na si Carmina Villaroel ng isang cryptic post sa kanyang Instagram account tungkol sa trust at villain.


Kapansin-pansin ang sunod-sunod na pagbabahagi ni Carmina ng mga quote cards na may mensahe tungkol sa tiwala at pagbabalat kayo.


“The villain plays the victim so well.”


“Don’t trust everything. You see. Even salt looks like sugar.”


Agad itong ikinagulat ng ilang mga netizens at napapatanong kung ano ang dahilan ni Carmina sa pagbabahagi ng ganoong  uri ng mga quote cards.


May ilang nag-iisip na may pinagdadaanan ngayong personal ang aktres.


Subalit ayon naman sa ilan na baka nagandahan lamang siya sa mga quotes.


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang pagbibiro ni Carmina Villaroel sa Kapuso actress na si Lianne Valentin. Pabirong tinanong ni Carmina ang actress kung totoong nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang asawang si Zoren Legazpi.


Nilinaw naman ni Carmina na ang kanyang tinutukoy ay ang teleserye nilang Apoy Sa Langit, kung saan naging kalaguyo ng papel ni Zoren ang ginagampanang karakter ni Lianne.


Gayunpaman, hindi pa rin napigil ng ilang mga netizens na magduda kung ang relasyon nina Lianne Valentin at Zoren Legazpi sa teleserye ay nananatiling 'professional'.


Pinagtibay pa ang hinalang ito ng hindi kaagad nakasagot si Lianne sa diretsahang tanong ni Carmina tungkol sa kanila ni Zoren, hanggang sa nilinaw na ni Carmina na sa teleseryeng pinagsamahan nila ang kanyang tinutukoy.


Inamin naman mismo ni Lianne na na-caught of guard siya sa tanong ng veteran actress.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo