Vice Ganda Nagtatanong Na Ng Detalye Kay Joel Cruz! Tuloy Na Ang Pag-aanak!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Sa isang episode ng showbiz vlog nina Ogie Diaz, ibinahagi ni Ogie Diaz ang panayam ni Joel Cruz tungkol sa Unkabogable star na si Vice Ganda.


Nauna nang naibahagi ang pagpaplano ni Vice Ganda na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng surrogacy.


Ito rin ang ginawang proseso ni Joel Cruz, President at CEO ng Aficionado para magkaroon ng walong anak.


Samantala kinumpirma mismo ni Joel Cruz na nakikipag-usap na sa kanya si Vice Ganda tungkol sa impormasyon at karagdagang detalye ng surrogacy.


"Nung dumating siya, ayun nagtanong na siya about dun sa surrogacy. Sabi ko, oo nga nabalitaan ko nga na gusto mo yung ganon, sabi ko that's good."


"Kasi nagkikwento siya about sa love life niya silang dalawa ni Ion, so it's good to know na nagmamahalan 'yung dalawa. Mahal niya si ion, mahal siya ni Ion, so that's good to know."


"Ngayon, gusto nilang magkaanak... Natutuwa naman ako na sa kanya yung gagamitin. 'Di ko alam yung next plan nila siguro si Ion naman," saad ni Joel Cruz.


"You better go to US or sa Singapore, or India. Kasi 'yung sa Russia ko, mahal. sa isang pares sa kambal umabot ako ng 12 million pesos lahat-lahat," pagbabahagi pa ni Joel.


Pinayuhan din ni Joel si Vice Ganda na sa Singapore o di kaya ay sa India isagawa ang surrogacy dahil aabot sa 20 milyon pesos kung sa US o sa Russia niya ipapagawa ay procedure.


Matatandaan na noon pang nagdaang taon, ipinahayag ni Vice Ganda ang pagbabalak niyang magkaroon ng anak. Naudlot lamang umano ito dahil nagsunod-sunod ang kanyang mga projects.


Kamakailan lamang ay umani ng samu't-saring opinyon at komento ang pagbili nina Vice Ganda at Ion Perez ng mamahaling aso na umabot ang halaga sa 380,000 pesos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo