David Licauco, Titigil At Iiwan Na Sana Sa Showbiz!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Bago pa man napabilang sa cast ng hit Kapuso series na Maria Clarra at Ibarra ang aktor na si David Licauco, napag-iisipan na umano niya ang pagtigil sa showbiz at magfocus na lamang sa pagnenegosyo.


Sa isang vlog, sinagot ng Kapuso actor na si David Licauco ang ilang mga katanungan ng kanyang fans, kabilang na ang napapabalitang paghinto sana niya sa pag-aartista at pagfocus na lamang sa kanyang negosyo.


 “Yes. Actually, prior to this ‘Maria Clara at Ibarra,’ I was really focused on my business. And it’s felt that the love for acting was overtaken by my love for business. I’ll be honest with that.


“Pero siyempre, dumating ‘yung ‘Maria Clara at Ibarra’ na napakaganda ng naging role ko, napakaganda ng perception ng mga tao and dumami rin ‘yung mga sumusuporta sa akin na hindi ko naman pwedeng iwan lang nang basta-basta.”


Dahil sa matagumpay niyang pagganap sa nasabing teleserye lumawak ang dan base ni David Liacauco. Kaya naman sinabi niyang tatagalan pa niya ang kanyang pananatili sa showbiz industry para sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo