Jhon Estrada Sinagot Na Ang Isyu Ng Marital Problems Nila Ng Asawa, Sinagot Pero Hindi Nilinaw!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng sagot ang aktor na si John Estrada sa isyu ng marital problem nila ng kanyang asawa na si Priscilla Meirelles.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang mga hugot post ni Priscilla patungkol sa mga babaeng pumapatol sa mga lalaking may asawa na.


Kasunod nito ay ang pagbahagi naman ng isang content creator ng conversation nila ni Priscilla kung saan tinatanong nito kung ano ang relasyon nila ng aktor.


Kaya naman sa isang panayam, sinagot na ng aktor ang isyu. Subalit, hindi pa rin naging malinaw ang totoong pinagdadaanan nilang mag-asawa sa ngayon.


“There are some people who could hear you speak a thousand words and still not understand you. And there are others who will understand without you even speaking a word,” matalinghagang sagot ng aktor.


Samantala, kamakailan lamang ay tila inamin ni Priscilla na may pinagdadaanan nga sila ng asawa. Gayunpaman, patuloy naman ang pagbabahagi ni John ng mga sweet photos nila ng asawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo