Content Creator na 'TuKoMi' Pinapakasuhan Ng Mga Netizens!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan at viral online ang content creator na TuKoMi matapos gawin ang isang hindi magandang prank.


Ilang araw na ang nakalipas, sinubukan ng isang pulis na kinilalang si PSSg Ronnie Conmigo na pigilan ang grupo na gawin ang kanilang prank dahil sa akala niya ay totoo ito.


Buti na lamang at pinag-isipan munang maigi ng Pulis bago niya gamitin ang kanyang service firearms. 


Agad namang sinabi ng grupo na isa lamang itong prank. Gayunpaman, pinuna sila ng pulis at sinabing hindi magandang biro ang kanilang ginawa at buti na lamang ay isa siyang beteranong pulis.


Gayunpaman, inupload pa rin ng nasabing grupo ang kanilang video upang pagkakitaan.


Agad namang pinayuhan ng mga netizens ang mga pulis na kasuhan ang grupo upang magtanda at hindi pamarisan ng iba.


“Kasohan sila dapat, hindi yung hayaan na lang, magiging dating niyan talagang kasabwat kayo sir, lalo na't pinalabas pa nila sa youtube ibig sabihin proud pa silang may naloko na pulis.”


“Sir with all due respect tanong ko lang po Di po ba pasok sa alarm and scandal po yan?” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo