Cristy Fermin at Mga Kasamahan Niya Labis Na Nag-alala Sa Kalagayan Ni Boobay!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Kabilang sina Manay Cristy Fermin at mga kasamahan niya sa Showbiz Now Na, sa labis na nag-aalala sa kasalukuyang kalagayan ni Boobay.


Matatandaan na muli na namang nag seizure si Boobay sa naging guesting niya sa show ni Boy Abunda.


Sa kabutihang palad, kaagad na napansin ni Tito Boy ang biglaang pagtulala ni Boobay. Agad itong dinaluhan ni Tito Boy at doon na napag-alamang nagcollapse na ito.


Sa tulong mga mga nakastand by na medics naging maayos naman ang pakiramdam ni Boobay.


Gayunpaman, marami pa rin ang nag-aalala sa kalagayan ni Boobay lalo pa't na-stroke na ito noong 2016.


Isa na rito si Romel Chika na malapit kay Boobay. Maging sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay nag-alala rin dito. Agad umano nila itong pinadalhan ng mensahe nang malaman ang nangyari at pinayuhan na magpahinga. 



Maging si Cristy Fermin ay nag-iwan ng pangaral kay Boobay na sana raw ay makinig sa katawan kung kaya pa ang trabahong tinatanggap nito. 


"Palampasin mo Boobay ang mga proyekto kung sa palagay mo hindi na kaya ng kapasidad ng katawan mo. Makinig tayo sa ating katawan. Ang katawan po natin ang magsasabi sa atin kung ano pa ang hindi na natin kaya at kaya pa," saad ni Manay Cristy Fermin.


Maging ang nangyari noong unang inatake si Boobay ay binalikan rin ni Manay Cristy Fermin at ipinuntong buti na lamang at marunong sa first aid ang nakasama niya noon.


"Sabi nga niya kung hindi lang naagapan, biruin mo kung ordinaryong tao lang ang kasama ni Boobay nung inatake siya nun, di alam ang gagawin."


"Ano pa ba ang kailangan niya kung ang nakasangkalan na ay ang kanyang kalusugan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo