Skusta Clee, Nagbahagi Ng Nakakaantig Na Art Para Sa Kanila Ni Baby Bia!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging art ni Skusta Clee sa kanyang social media account.


Makikita sa kanyang ibinahaging artwork ang masayang yakapan nila ni Baby Bia na mahigit dalawang taon na niyang hindi nakakasama at nakikita man lang sa personal.


Wala naman siyang ibang detalye na ipinahayag sa caption maliban sa isang yellow heart.


Sa kabila ng walang caption marami pa rin ang naantig ang damdamin at tila napaluha sa ibinahaging artwork ni Skusta.


Kahit pa walang anumang mensahe mararamdaman ang labis na pagkasabik ni Skusta Clee na muling mayakap ang anak.


"For me. Hindi na lang naman yan basta tungkol lang sa nararamdaman nung nanay! Iniwanan mo yung sarili mong pamilya para sa ibang babaeng hindi rin naman pala magtatagal sayo"


"Yan ang consequence ng actions mo! Kailangan mong paghirapan i gain ulit yung trust nung nanay, Matagal man atleast diba. Time heals all wounds! In the right time. 🙏🙏 Magiging maayos rin lahat."


"May mga feeling perfect sa comsec oh. I'm also a mother, wala akong karapatan na ipagdamot ung anak ko sa ama kasi in the end of the day, hahanapin at hahanapin ng bata ang ama nea.


"May maling nagawa yung ama pero wag mong ipaparanas sa anak mo na hnd nea maramdaman ang pagmamahal ng isang ama. 


"Let's be true guiyz, karamihan saten, lalo na sa mga broken family, kapag malaki na ung anak, gusto nilang hanapin ung ama nila, or nagtatanong at nagtataka sila na bakit d man lang naisipan ng ama nila na bisitahin sya. Sad but true. 


"Pero siguro darating dn sila sa point na un. One day, you will realize and learn..."


Matatandaan na noong nagdaang taon bigla na lamang pumutok ang balitang naghiwalay muli ang celebrity couple na sina Skusta Clee at Zeinab Harake.


Ang pangunahing dahilan ay ang pambababae umano ni Skusta Clee na ilang beses nang nahuli ni Zeinab Harake.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo