Aljur Abrenica Umamin Nang Siya Ang Nagtaksil Sa Kasal Nila Ni Kylie Pero Nilinaw Na Hindi Siya Babaero!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Umamin na ang aktor na si Aljur Abrenica  na siya talaga ang unang nagtaksil sa pagiging mag-asawa nila ni Kylie Padilla.


Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Aljur Abrenica hayagan niyang itinanong sa aktor ang isyung siya ang unang nagcheat at nagkulang sa pagsasama nila ni Kylie.


“Yeah. Totoo naman. Oo, totoo naman ‘yun,” hayagang pag-amin naman ni Aljur Abrenica.


“On my part, oo. Ina-admit ko ‘yun, may pagkakamali ako,” ani pa ng aktor.


Ipinahayag din ni Aljur Abrenica ang kanyang malaking pagkakamali sa kanyang pamilya. Iyon ay ang takot niyang mag provide kaya tuluyang nagtapos ang pagsasama nila ni Kylie.


Gayunpaman, ipinagdidiinan ng aktor na hindi siya babae at ibunubuhos niya ang lahat ng atensyon sa kanyang pamilya.


“Hindi ako babaero. Binibigay ko talaga lahat, pagsusuyo, anything that I can think of that would make her happy ginagawa ko,” paglilinaw ni Aljur.


Samantala, naging successful naman umano ang co-parenting set-up nila ngayon ni Kylie Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo