Kylie Padilla Hindi Bumeso Kay Aljur Abrenica Kahit Inalalayan Paakyat Ng Stage.

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Jerome

 


Trending ngayon sa social media ang muling magkikita ng dating mag-asawa na sina Kylie Padilla at ang kanyang estrange husband na si Aljur Abrenica.


Nagkasama sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa isang entablado matapos nilang dumalo sa 1st Summer MMFF parade of stars.


Pareho silang bahagi ng mga pelikulang kasali sa naturang film fest.


Lalo namang naging trending ang dating mag-asawa ng agad na lumapit si Aljur upang alalayan paakyat ng stage ang dati niyang asawang si Kylie Padilla kasama si Gerald Anderson.


Nagtanguan naman ang dating mag-asawa matapos batiin ni Kylie ang ibang kasamahan ni Aljur sa pelikula nilang "Single Bells". "Unravel" naman ang pamagat ng pelikula nina Kylie at Gerald.


Napansin naman ng mga netizens na makikita daw ang tila pagsulyap ni Aljur kay Kylie Padilla.


Sa Instagram account ni Kylie ay nagbahagi ang actress na ilang mga larawan nila ni Gerald sa na ganap na parade of stars.


Pagbibidahan nina Kylie at Gerald ang pelikulang "Unravel" na ipapalabas ngayong April 8 na.


Samantala pinuri naman ng mga netizens ang dating mag-asawa na sina Kylie at Aljur dahil sa nananatili daw silang civil at may respeto sa isa't-isa.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo