Vhong Navarro PaTikTok-TikTok Na Lang!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Pinusuan ng mga tagahanga ng aktor host na si Vhong Navarro ang kanyang latest TikTok video.


Ipinakita ng 46-year-old celebrity ang kanyang talento sa pagsasayaw, tulad ng sa kanyang mga naunang post. Mapapanood siya sa video na sumasayaw sa kanta ni Nelly Furtado, "Say It Right."


Ilang oras lamang matapos itong ipost ng aktor ay umani na kaagad ng 500,000 views.


Tila wala nang inaalala ngayon ang aktor dahil muli na siyang makabalik sa trabaho matapos ang pagkaka-detain. Dahil sa muling pagkakabukas ng kasong isinampa noong 2014 ni Deniece Cornejo.


Sa kabila ng pagkakakulong ng aktor marami pa rin ang naniniwalang inosente ito sa mga ibinibintang  ng dating modelo na si Deniece Cornejo.


Marami ang natuwa dahil nakabalik na ito sa show at muling gumagawa na rin ng mga TikTok videos.



@vhongx44

😎

♬ оригинальный звук - mazur4ik

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo