Pelikulang ‘Martyr or Murderer’ Ipapatanggal Sa Mga Sinehan!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely




Ibinahagi ni Direk Darryl Yap na may nakaambang temporary restraining order (TRO) laban sa kanyang pelikulang Martyr or Murderer.


Kaya naman gusto ng direktor na panoorin na ito ng mga tao nitong March 1 sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.


Ayon sa pagsisiwalat ni Direk Darryl Yap may ilang nakapanood na sa pelikula noong premiere night na nangalap ng impormasyon at nag-file ng TRO sa korte upang pigilan ang Martyr or Murderer na maipalabas sa mga sinehan sa buong bansa.


“Minabuti po ng aming produksyon na pangalagaan ang pelikula, hindi lamang sa mga pumunta sa premiere night upang magvideo ng ‘spoilers’ kundi sa ilan na kumuha ng impormasyon at agarang nagfile na ng Temporary Restraining Order upang pigilan ang pagpapalabas ng pelikula."


“Manood po tayo agad, simula March 1,” pahayag ni Darryl Yap.


Samantala, kaagad na umaani ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ilan ay naiinis dahil sa pagpa-file ng TRO laban rito.


Ipinunto pa ng ilan na talagang hindi marunong makipaglaban ng patas ang kabila dahil sa pagpipigil nilang mapanood sa buong Pilipinas ang nasabing pelikula.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo