Liza Soberano Gayahin Mo Si Sandara Park

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome

Payo nagayon ng mga netizens kay Liza Soberano na gayahin daw nito si Sandara Park na nagrebrand ng walang eme-eme.


Nakumpara pa ng ibang mga netizens si Liza kay Sandara Park dahil na rin daw sa naging career din ni Sandara dito sa Pilipinas noong una.


Pero malaki ang pagkakaiba nilang dalawa pag dating daw sa pagrebrand nila kumbaga magkasalungat.


Sa isang Facebook page ay nakumpara nga si Liza kay Sandara na nagrebranding din ng sumali ito sa isang all-Female Korean group.


Wala daw kasing naging sama ng loob si Sandara sa naging career niya dito sa Pilipinas, wala din daw siyang sinumbatang mga tao at lalong hindi niya din daw ipinahiya ang kanyang dating manager.


Sa tingin nga ng mga netizens ay dapat daw na gumaya si Liza kay Sandara na sobrang minahal ang mga Pilipino kahit na may lahi nga itong Korean.


Makikita ngang puring-puri si Sandara ng mga netizen dahil nga sikat na sikat na ito sa Korea ay bumabalik parin daw ito sa bansa para makasama ang kanyang mga nakasabayang sa Star Circle Quest.


Samantala narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizen na lumabas sa nasabing facebook page. 


"Sandy lang nagrebraNd na walang eme-eme, pasavog agad, ganyan dapat Liza."


"Si Dara until now grateful kung sinong mga taong naging dahilan bakit siya naging Sandara, no wonder until now mahal siya ng publiko."


"Sandara is the best example of successful rebranding."


"From Sandy to Dara Park...pero parehas mong minahal diba?"


"Simple lang yan love the industry and the industry will love you back, Dara rebranded her self but never, not once, did she trash on her past experiences dito sa pinas, and shes not even Filipino by blood."


"Kaya goodluck doon sa isa, if I were her I'd take acting workshop first."



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo