Pagiging Kutuhin Ni Loisa Andalio Binalikan ng Isang Netizen!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Muling pinag-usapan sa ilang social media platform ang pagiging kutuhin noon ng aktres na si Loisa Andalio na naging dahilan kung bakit natanggal umano siya sa Pinoy Big Brother.


May isang netizen na nagsasabing nakatulong umano ang pagiging kutuhin umano ni Loisa Andalio noon kaya naging kilala siya.


“Malaki ang naitulong kay Loisa ng pagiging kutuhin nya sa show kasi nagkaroon sya ng trademark para maalala ng netizens,” tweet ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Loisa at sinang-ayunan pa, tila hindi rin naman niya ikinahiya ang pagkakaroon umano ng kuto.


“Grabe ka naman, pero oo nga thank you din po.”


Matatandaang napaulat noong 2015 na nalaglag si Loisa sa Final 4 ng “PBB All In” dahil hindi umano nagustuhan ng mga fan ng reality show ang pagsisinungaling niya nang tanungin siya ni Kris Aquino kung totoong may kuto siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo