Jason Hernandez Ibinahagi Ang Simpleng Pamumuhay Sa El Nido Palawan!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


Matapos ang ilang buwan pananahimik sa social media ng estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jayson Hernandez nagbigay na ito ng update sa kanyang pamumuhay ngayon.


Sa videong ibinahagi ng isang youtube channel, ibinahagi niyang pitong buwan na siyang nanatili sa El Nido Palawan.


Alam na rin umano niya kung ano ang mas mahalaga ngayon sa kanyang buhay.


Napagtanto na rin umano niyang hindi niya kailangan ng maraming materyal na bagay para sumaya. 


Ikinuwento ni Jason na dapat ay nagbakasyon lamang siya doon ng isang buwan ngunit napagpasyahan niyang manatili doon lalo na at marami din siyang nakilalang bagong kaibigan. 


Dagdag pa niya, napagtanto niyang mahalaga ang mga kaibigan at pamilya sa kanyang buhay ngayon.


Gayunpaman, umiiwas pa rin si Jayson na pag-usapan ang nangyaring hiwalayan nila noon ng asawang si Moira Dela Torre.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo