Alden Richards naiyak sa pagbabalik sa ‘Eat Bulaga’ Super na-miss Si Maine Sey Ng Aldub Fans!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Marami ang natuwa sa muling pagbabalik ng Kapuso actor na si Alden Richards bilang host ng longest running noontime show na Eat Bulaga.


Sa muling pagbabalik ni Alden sa nasabing show, napaiyak siya sa sobrang tuwa.


Pagpasok pa lamang daw ng dressing room noong Sabado, March 11 ay naiyak na siya habang niyayakap ang kanyang mga dabarkads.


“Naiiyak pa ako eh. Kanina medyo naiyak lang talaga ako nung pagpasok ko ng dressing room tapos niyakap ko sila,” pahayag ni Alden.


“Medyo matagal din akong nawala talaga, nararamdaman ko ‘yung tagal ng panahon. I’m back Dabarkads,” dagdag pa niya.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ng ilang mga Aldub Fans na bumalik si Alden sa Eat Bulaga para ipagpatuloy umano ang Aldub.


Hanggang ngayon ay may naniniwala pa ring AlDub fans na sina Alden at Maine Mendoza at totoong couple at palabas lamang ang lahat nang sa kanila ni Arjo Atayde.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo