Maegan Aguilar sinupalpal ni Cristy Fermin Adik na Adik Ang Mukha!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng beteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang mga rant ni Maegan Aguilar, hinggil sa pagka-udlot ng tulong na ibibigay sana nito sa kanya ni Sen. Raffy Tulfo.


Matatandaan na maging sa kanyang mga magulang ay naghimutok rin si Maegan at sinisisi ang mga ito sa kanyang kinahantungan.


Ayon kay Cristy Fermin, walang ibang masisisi si Maegan sa mga nangyari sa kanyang buhay ngayon kundi ang kanyang sarili mismo.


“Ang bawat tao Maegan, binibigyan ng choice. Binibigyan tayo ng utak at desisyon para makapamili tayo kung paano natin ididisenyo ang ating buhay,” pahayag ni Cristy Fermin.


“Hindi si Kaka (Ka Freddie), hindi si Josephine, hindi ang kahit sino nagturo sa’yo na magpakalulong ka sa droga. Desisyon mo ‘yan, sinira mo ang buhay mo. Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang,” pagpupunto pa ni Cristy Fermin.


Ipinamukha pa ni Manay Cristy Fermin na adik na adik ang mukha ni Maegan kahit pa ilang beses nitong sinasabing hindi siya adik.


“Oo, adik na adik ang itsura mo! Nakakahiya ka. Hindi ka yata bumili ng salamin para makita mo itsura mo, na lahat ng palatandaan ng taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kinopo mo,” pagsusupalpal ni Cristy kay Maegan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo