KathNiel Maaaring Mapanood Sa FPJ's Ang Batang Quiapo!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites ang umano'y posibilidad na mag-guest ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Agad namang nanabik ang mga tagahanga ng dalawa, lalo pa't makakasama nila rito ang iba pang magagaling na aktor at aktres sa larangan.


Sa isang panayam, nausisa ng isang media reporter si Daniel Padilla nang mapansing bumubulong ito kay Coco Martin.


"Coco is a good guy, magkaibigan naman kami at hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkatrabaho so 'pag may magandang mga letra na ibibigay sa'min, why not," pahayag ni Daniel Padilla.


Kung sakali mang matuloy ang pagiging guest nina Daniel at Kathryn sa Ang Batang Quiapo, ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho sila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo