Herlene Budol, Pumutok Ang Boobey Kaya Tigil Shooting!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang entertainment sites ang isyung pagputok ng breast implants ni Herlene Nicole Budol na naging dahilan kaya tigil muna ito sa taping ng Magandang Dilag.


Ayon sa kumakalat na balita, aksidente umanong nasubsob ang dalaga habang nasa taping na siyang naging dahilan ng pagputok ng breast implants nito.


Kaya naman nagbigay na ng linaw ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino hinggil sa isyung ito ng aktres.


Ayon kay Wilbert Tolentino, hindi si Herlene ang tinutukoy ng balitang naputukan ng breast implants.


Nilinaw din niya na sadyang pinutol ang taping ng nasabing teleserye upang itaon ang pagpapalabas nito sa darating na Mayo.


Sinigurado rin ni Wilbert Tolentino na maayos ang kalagayan ni Herlene Budol.


“I think hindi siya ‘yung tinutukoy. ‘Yung mga tao lang kasi, inuunahan lagi pagdating sa mga bashing. Okey naman si Herlene…"


"Actually, ‘ikina-cut’ nila para sa birthday ko kasi alam nila ako ‘yung nag-groom kay Herlene,” saad pa ni Wilbert.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo