Maegan Aguilar Galit Na Galit Kay Senator Raffy Tulfo Dahil Hindi Binigyan Ng Tulong!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Dismayado si Maegan Aguilar sa desisyon ni Sen. Raffy Tulfo na iatras ang lahat ng mga pangakong tulong na ibibigay sa kanya, sakaling maipasa niya ang drug test.


Matatandaan na ipinangako noon ni Sen. Raffy Tulfo kay Maegan na kung sakaling mag negatibo siya sa gagawing drug test ay ibubuhos ni Sen. Raffy ang pagtulong sa kanya.


Subalit, napag-alaman sa lumabas na resulta na positibo paring gumagamit si Maegan kaya hindi na siya tutulungan ng Sen. bagkus ay pinagparehab na lamang.


Labis naman ang pagkadismaya ni Maegan kay Sen. Raffy dahil wala na umano silang maasahan ngayon dahil hindi na rin sila welcome sa tahanan ng kanyang ama na si Freddie Aguilar.


Samantala, ginulat ni Maegan ang lahat ng mga netizen nang mag-live siya sa kanyang Facebook account kung saan emosyunal siyang nagbabantang tatalon sa isang mataas na gusali dahil sa kanyang pagkadismaya dahil hindi siya tinulungan ni Idol Raffy.


Bukod sa pagbabanta nagpost din si Maegan ng isang mensahe kung saan inilabas niya ang kanyang mga hinanakit sa pagtanggi umano ng senator na tulungan siya.


"SAY NO TO DRUGS" "MABABAW ANG DAHILAN" ni hindi man lang inalam ang "root cause" ika nga nung Dr. Villaroma. Ni hindi inalam na ang other options that time was ma-gang rape ako at ilibing ng buhay ang asawa ko, kung hindi kami makiki hits sa kanila," bahagi ng pahayag ni Maegan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo