Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon Nagsalita Na Sa Pagtatanggal Sa Kanila Bilang Host Ng Eat Bulaga!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng kani-kanilang pahayag sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa isyung pagpapatalsik sa kanila sa noontime show na Eat Bulaga, matapos ang maraming taon.


Tila kumpirmado na nga na may nangyayaring hindi pagkakaintindihan sa loob ng management ng Eat Bulaga matapos maglabas ng pahayag ang tatlong original host ng show.


Ayon sa kanila, walang magbabago sa production team ng kanilang show. Magpapatuloy umano ang kanilang programa ng walang natatanggal o napapatalsik.


Pahayag pa ni Joey De Leon na magsasama pa silang lahat na magsi-celebrate ng ika-50 years na anniversary ng Eat Bulaga.


Ipinagdidiinan ni Tito Sotto ang malalaking ambag nina Vic at Joey sa pagbuo ng kanilang show.


Si Vic Sotto umano ang siyang nagsulat ng lyrics ng theme song nang Eat Bulaga.


Habang si Joey De Leon naman ang siyang nakaisip umano sa pamagat na Eat Bulaga sa kanilang show.


Ang pahayag na ito ay tila pagbibigay linaw sa management sa kung sino talaga ang siyang may malaking naitulong upang tumagal ng mahigit na apat na dekada ang kanilang show.


Pagpupunto pa nito, na hindi nabili ng TAPE ang rights ng Eat Bulaga dahil exclusive rights umano ito ni Vic lyrics ng kanta habang naka credit naman kay Joey ang pamagat nito.


Ibig sabihin kapag tinanggal sila ay maari nilang dalhin maging ang pangalan ng show at walang maaring gumamit ng kanta ng Eat Bulaga sakaling hindi na sila kasama rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo