Kritikal! Gardo Versoza Inatake Sa Puso Itinakbo Sa Ospital!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Jerome

 


Beteranong actor na si Gardo Versoza inatake sa puso at isinugod sa Hospital.


Maraming nag-alala matapos na magpost ang actor na si Gardo Versoza ng kanyang larawan na nakahiga habang nasa Hospital ngayon araw March 30, 2023.


Ipinag-alala ng kanyang mga taga hanga at ng kanyang mga kaibigan sa showbiz ang naging hashtag ng actor sa ibinahaging post na "# Heart attack."


Caption niya, "thanks for everything shugs i love you 🙏❤️🥰 thank you LORD 🙏 thank you doctors 🙏❤️ #heartattack"


Mabuti na lamang at makikita sa nasabing larawan na tila nagpapalakas na si Gardo matapos itong atakehin sa puso.


Ayon sa nakalap na inpormasyon ay inatake sa puso ang actor noong March 28, 2023 at kasalukuyan siyang nakaratay sa intensive care unit ng Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.


Kilala ang aktor bilang maalaga sa kanyang kalusogan at pangangatawan ngunit ang pagkakaroon niya ng problema sa puso ay hereditary  o na mana sa kanyang pamilya.


Bagama't tapos ng operahan ang actor ay isasa-ilalim pa ulit siya sa isa pang operasyon makalipas ang tatlong buwan.


Upang tuloyan daw na ma alis ang nakabarang ugat sa kanyang puso, at ng lubusan na siyang gumaling.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo