Heart Evangelista Nagsalita Na Sa Second Chances With Chiz Escudero!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Naitanong sa Kapuso star na si Heart Evangelista ang tungkol sa second chance na mayroon sila ng asawang si Chiz Escudero.


Matatandaan na nitong nagdaang taon naging usap-usapan online ang paghihiwalay ng dalawa. 


Bagama't nanatiling tahimik ang dalawa hinggil sa nasabing isyu, naging masaya pa rin ang mga tagahanga nila ng muling magbahagi si Heart ng update ng tila pagkakaayos nila.

Sa isang panayam kamakailan, tinanong si Heart Evangelista kung mas lovelier ba ang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon nila ng kanyang asawa.


“You know, marriage, I feel, is always going to be like a journey.” 


Ipinunto pa niya na ang mas mahalaga ngayon ay ang pagsuporta nila sa isa't-isa.


Samantala, muling nakasama ni Heart Evangelista ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales. Ang dating reel at real-life sweethearts ay nagsama-sama kamakailan kasama ang kanilang mga kapwa OG Star Magic babies. 


Nagkaroon sila ng bonding moment ng star maker at dating Star Magic head na si Johnny Manahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo