Gerald Anderson, Ibinunyag Na Masarap Si Kylie Padilla Kausap!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng collaboration ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson at Kapuso actress na si Kylie Padilla.


Nagkasama sa unang pagkakataon sina Kylie Padilla at Gerald Anderson sa romance-drama film na Unravel. Ang kanilang pelikula ay isa sa mga opisyal na isinumite bilang kalahok sa unang Summer Metro Manila Film Festival.


Si Kylie ang gaganap bilang Lucy at si Gerald naman ang gaganap bilang Noah sa RC Delos Reyes-directed film.


 Ang pelikula ay tungkol sa mentl health, isang napakahalagang paksa na nangangailangan ng higit na pansin, lalo na sa panahon ngayon.



Samantala sa naganap na media conference para sa kanilang pelikula sa Ayala Malls Vertis North in Quezon City.


Inamin ni Kylie na noon pa man ay fan na siya ni Gerald Anderson, partikular na sa Kimerald Tandem.


Nagbigay din ng saloobin si Gerald patungkol sa kanyang leading lady na si Kylie Padilla.


“Tulad ng sinabi ko kanina, madali lang katrabaho si Kylie. She’s very humble, masarap kausap, so wala namang kailangang mag-effort pa because everything just came together. Very natural."


"Makikita n’yo nga sa film kung gaano siya ka-passionate at gaano niya kamahal din ‘yung craft niya, ‘yung proyekto."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo