Kathryn Bernardo Dinadamay Na!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Jerome

 

Trending ngayon ang pangalan ni Kathryn Bernardo sa social media matapos siyang ikinumpara kay Liza Soberano.


May mga humahamon nga daw na mga netizen kay Kathryn na mag-ala Liza daw siya na kumawala sa image na binuo sa kanya kahit hindi niya gusto.


Nabanggit din ang pangalan nina Nadine Lustre at Maine Mendoza na hindi daw nagpatalo sa sulsol ng mga fans o ng mga taong nagpapatakbo ng kanilang mga career.


Sa halip daw ay nanindigan sa kung ano man ang gusto nila, tinawag pa nga daw nilang pabebe si Kathryn dahil hindi nga daw ito marunong tumayo sa kung anong gusto niyang gawin sa career o sa buhay niya.


Narito nga ang tila hamon na pagsusulsol ng mga fans.


"Grabe ang tatapang nila Liza, Nadine at Maine, na una si Maine sumunod si Nadine then heto na si Liza, eh si Kathryn pabebe parin hanggang ngayon."


"Nakakabilib si Liza, I admire your courage hindi lahat kayang kumawala sa shield, you are on the right ages to do so, buti nalang kumawala kana sa love team."


"Napag iwanan na si Kathryn sa ganyang sistema, si Kathryn kasi favorite ng ABS-CBN kaya nag decide si Liza ng ganyan eh isa pa naman  si Liza sa lumaban noong nawalan ng prankesa ang channel 2."


"May point naman talaga si Liza, sige nga bigyan nila si Kathryn ng solo project tingnan natin kung anu ang mangyayari."


Nagreact naman ang mga fans ni Kathryn ukol dito at bakit pa daw kailangan pang idamay ang kanilang idolo sa issue ni Liza Soberano. 


Bwelta naman ng mga fans ni Kathryn, "Eh anu naman kung favorite si Kathryn eh deserve naman niya yun, ang laking pera kaya ang pinasok niya sa ABS-CBN at sa Star Cinema."


"Wait lang si Liza ang may problema tapos si Kathryn yung trending eh mas sikat naman si Kathryn kay Liza." 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo