Debbie Garcia Isiniwalat Ang Pagtawag Sa Kanya Ni Diego Loyzaga Matapos Ang Pangangalm0t ni Barbie Imperial!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely

 

Ibinahagi ng aktres na si Debbie Garcia ang pagtawag sa kanya ng aktor na si Diego Loyzaga sa gitna ng isyu nila ng aktres na si Barbie Imperial.


Matapos mag-viral ang insidenteng nangyari kina Debbie at Barbie sa isang bar, lumabas ang tsismis na si Diego pala ang pinag-ugatan nito. 


Naging usap-usapan kasi noon ang pagkakaroon ng relasyon ni Debbie at Diego matapos ang hiwalayan ng dalawa.


Samantala, ayon kay Barbie ay pinrovoke lamang siya noon ni Debbie kaya niya nagawa ang pangangalmot rito.


Sa latest interview ng actress na si Debbie Garcia ipinahayag niyang maayos naman ang relasyon ni Diego at nakakapag-usap pa sila sa ilang bagay-bagay.


“We’re friends, we’re good friends. Talagang nagka-catch up kami. Pag may mga problem si ano, ‘O, anong nangyari?’” pagbabahagi ni Debbie.


Pagsisiwalat pa ng aktres na tinawagan siya noon ni Diego, matapos ng nangyari sa kanila ni Barbie sa isang bar.


“Happy rin naman ako na nung nangyari ang incident, talagang tinawagan niya po ako. Kinumusta niya ako,” muling pagsisiwalat ng aktres.


Muli pang paglilinaw ng aktres na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Diego Loyzaga dahil ang last relationship niya ay noon pang 2020.


Nagkaroon na rin umano ng hearing sa mga isinampa niyang kaso laban sa aktres na si Barbie Imperial.


“So, nag-iingat po ako, but all I can say now, just to give you an update po, ahhmm… we had hearing na.”


https://youtube.com/shorts/cUD7dVwCMNw?feature=share

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo