Pokwang Nais Baguhin Ang Last Name Ng Anak Na Si Malia!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng aktres na si Marietta Subong a.k.a Pokwang na gusto niyang baguhin ang apelyido ng kanyang anak na si Malia sa dating partner na si Lee O'Brian.


Naghiwalay sina Pokwang at Lee O’Brian noong November 2021, noong July 2022 lang ito isinapubliko. 


Subalit nitong mga nakaraang linggo, ibinunyag ng aktres na may ibang babae si Lee at hindi umano ito nagbibigay ng sustento sa anak nila.


Ayon pa kay Pokwang na inakala niyang siya na ang pinaka 'chaka' ang hitsura subalit may mas 'chaka' pa pala sa kanya.


Samantala, kamakailan lamang ay muling sinagot ni Pokwang ang isang komento ng netizen kung saan sinabi nitong mas bagay kay Malia ang apilyedo ni  Pokwang dahil hindi naman umano sila kasal ni Lee.


“@itspokwang27 ganda ng anak mo Madam, if ako syo sunod mo sa surname mo, hindi worth it gamitin nya surname ng ex mo, Ms. Universe Malia Subong in the making.”




Agad naman itong sinagot ni Pokwang na kasalukuyan na umano itong inaasikaso ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo