Julia Montes Papasok Di Umano Sa Upcoming Teleserye Ni Paulo Avelino?!!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Jerome

 

Julia Montes maari nga kayang makasama sa upcoming na teleserye ni Paulo Avelino?


Maogong nga ang haka-haka ngayon na pinag-uusapan ng mga netizens na kung papasok ngaba si Julia Montes sa upcoming na teleserye ng Dreamscape Entertainment na may pamagat na "Linlang."


Ito ay matapos na magbahagi ng larawan ang Head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Edrinal kasama si Julia Montes at mga direktor ng show.


Pati na rin ang actor na si Paulo Avelino na isa sa mga leading man na pagbibidahan nila ng chinita actress na si Kim Chiu.


May mga nagsasabi kasing baka daw papalitan na ni Julia si Kim kasi daw magiging busy na raw ito sa Philippines adaptation na "Whats Wrong With Secretary Kim."


Ganun paman ay may ilang linggo na ding nagti-taping si Kim Chiu sa serye na Linlang kaya maaari daw na karagdagang character lang si Julia sa nasabing teleserye.


Pero ayon nga sa ilang mga netizens ay papasok man daw si Julia o hindi ay abangan nalang daw natin ito dahil i-aanunsyo naman daw ito ng Dreamscape kung totoo ba ang haka-hakang ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo