Coco Martin Nagsalita Na Sa Pambabanat Sa Kanya Ni Rendon Labador!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ng actor-director na si Coco Martin ang open letter ni Rendon Labador para sa kanya dahil sa teleserye niyang Ang Batang Quiapo.


Sa isang panayam kay MJ Marfori, ginamit ng aktor-direktor ang isang matandang kasabihang Filipino, "Kapag hitik ang bunga, talagang may babato at babato sayo." 


Gayunpaman, pilit na lamang umano niyang iniintindi ang mga ito. Baka umano ay ginawa nang hanapbuhay ng mga ito ang manira ng ibang tao para may mapatunayan.


"Ako, iniintindi ko na lang na siguro yung mga tao, gusto maghanapbuhay, o kailangan lang na gawin yun. Pero alam ko naman na sana, wala silang masamang intensyon na manggulo o makagulo kasi hindi maganda eh."


"Pero sakin kasi, sabi nga nila kung sino yung nakakaunawa di ba, pagpasensyahan mo na lang, unawain mo na lang. Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro yung pagiging mabuting tao na lang ang binabalik ko, kaysa na patulan ko or ano."


Muli din niyang ipinagdiinan na wala silang nilabag na batas at naghahanapbuhay lang din sa Quiapo. Ipinahayag pa niya na bago sila magtaping ay kumuha pa sila ng permiso mula sa Lungsod ng Manila.


"Para sa akin kasi, mas marami tayong ano eh, bagay na pag-ukulan... naghahanapbuhay ka lang naman. Sa palagay ko naman wala kaming ginagawang masama, di kami lumalabag sa batas, kasi sa una't una, alam namin po yung ginagawa namin."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo