Xian Gaza Masayang Ibinahagi Ang Pagbobonding Nila ng Ex Ng Kaibigan!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Muling naging usap-usapan ng mga marites sa social media ang bagong post na ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza.


Muling ibinahagi ni Xian ang isang groupie picture nila nina Skusta Clee, Pastillas Girl at Flow G. Base sa background, makikitang tila gumagala ang mga ito.


Samantala, sa caption ipinahayag ni Xian Gaza na masaya siyang nakilala ang ex ng kanyang kaibigan dahil naintindihan na umano niya kung bakit nabaliw ang kanyang kaibigan rito.


Bagama't hindi naman niya sinabi ang pangalan ng kanyang kaibigan, alam na ng lahat na si Zeinab Harake ito.


“Happy ako kasi nakilala ko yung ex ng kaibigan ko,” pahayag ni Xian.


“At least alam ko na ngayon kung bakit siya na-in love. Palaisipan kasi sa akin ever since kung bakit siya nabaliw sa lalaking ito. Matinong tao naman pala. May mga maling desisyon lang talaga. Pinasama lang masyado sa social media. Well, I'm guilty of it. Isa rin ako sa nanira sa kanya.”


Pabiro pang dagdag ni Xian, na naniniwala siyang walang pangit na tao, depende na lamang iyon sa iyong katabi.


“Basta ito lang masasabi ko. Makinig kayo. ‘Naniniwala ako na walang taong pangit, depende lang yan sa iyong katabi kaya choose wisely.’”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo