John Arcilla Nais Magkaroon Ng Solo Concert!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng 56 year old actor na si John Arcilla na isa sa mga pangarap niya ay ang pagkakaroon ng sariling concert.


Ayon kay John Arcilla, “Actually, sabi ko nga, parang sa mga tour ko kasi sa ibang bansa, actually sanay naman kasi ako sa maraming tao na mag-perform. Bago kasi ako nag-mainstream sa TV, sa film, sanay ako talagang mag-show…"


"Kasi pag in-invite po ako sa States or sa Europe ng mga Filipino communities, parang concert-type talaga ‘yung performance.”


Dagdag pa nito, “Although ang mga songs ko, mga Broadway, mga ganun. So hindi ‘yung mga pop songs, kung meron man akong mga pop songs niyan, ‘yung mga Basil Valdez. … Well, I wish, I wish na matuloy. Excited naman ako. Sige sige, gawin natin.”


Naitanong din kay John na kung sakaling magkaroon nga siya ng sariling concert iimbitahin ba niya ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.


“Si Regine Velasquez, kasi siya ay naging leading lady ko sa Tanghalang Pilipino as Maria Clara. I played Crisostomo Ibarra, so kung pauunlakan ako ni Regine, magandang i-reenact namin ‘yung aming mga past shows.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo