Ano Kaya Ang Dahilan Bakit May Mga Tanong Si Priscilla Meirelles Na May Kinalaman Sa Third Party

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Jerome

 


Makahulugan ang naging Instagram story ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles na tila may kinalaman sa issue ng Thirdparty.


Kaninang umaga March 29,2023 ipinakita ng Beauty Queen ang poll question na inilunsad niya sa kanyang Instagram story.


Ang sabi sa poll question, "What to call a female that entertains a married man?"


Kaya naman maraming natanggap na mga sagot si Priscilla mula sa kanyang mga fallowers. 


Pinasalamatan ni Priscilla Meirelles, sa kanyang Instagram story ang mga sumagot sa kanyang tanong na: "What to call a female that entertains married man?"


Ibinahagi din ng Beauty Queen ang mga ito, saad niya, "Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words."


"Top 20 best answers yesterday not in particular order."


Pumili nga siya ng Top 20 best answers at kasama na nga dito ay ang salitang anaconda, linta, susu, makati, burikat at iba pang mga salita na tumutukoy sa third party sa isang relasyon.


Wala naman siyang ibang impormasyon na ipinahayag mayroon lang siyang mga makahulugang quotes na nirepost sa kanyang Instagram story.


Isa na nga dito ang isang paalala sa mga ama na mayroong anak na babae.


Ang sabi, "Imagine you have a daughter. Imagine she is dating aguy like you. Did you smile?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo