Jeric Gonzales Super Proud Sa Bagong Proyekto Ng Kanyang Girlfriend!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Opisyal nang ipinakilala ang cast ng brand new GMA teleserye kung saan tampok sina Dingdong Dantes, Tirso Cruz III, Rhian Ramos, Arthur Solinap, Dion Ignacio, at ang mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez, Rabiya Mateo bukod sa iba pa.


Kaya naman labis na natutuwa ang dating beauty queen na si Rabiya Mateo na napabilang siya sa mga powercast na ito. Itinuturing pa niyang malaking blessing at achivement nito sa kanyang showbiz career.


“#RoyalBlood soon on GMA. So blessed to be part of this mystery murder teleserye❤️❤️❤️ Lord, I don’t know what did I do to deserve this pero maraming salamat po talaga. 🙌🙌🙌” caption ni Rabiya sa kanyang Instagram post.


Agad namang umani ng samu't-saring pagbati mula sa mga fans ang nasabing post ni Rabiya.


Isa sa mga nagpaabot ng pagbati ay ang boyfriend nitong si Jeric Gonzales.


“Congratulations baby 😘 I am so proud of you 👏🏻,” mababasang komento ni Jeric sa post ni Rabiya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo