Good News! Raul Dillo a.K.a Kapre Sasabak Na Sa Batang Quiapo Ni Coco Martin

Martes, Marso 21, 2023

/ by Jerome

 

Matapos na manawagan ang dating actor comedian na si Raul Dillo o mas kilala sa tawag na "KAPRE" sa actor director na si Coco Martin na sana ay mabigyan siya ng trabaho.


Sa pamamagitan ng isang video ay nag pahayag ng mensahe si Dillo para kay Coco Martin kung maari ba siyang makapasok sa serye na Batang Quiapo upang magkaroon siya ng hanap buhay para sa kanyang pamilya.


Ayon kay Dillo, "Ako po sana ay humihingi ng kaunting atensyon at panawagan kay idol direk Coco Martin."


"Hello po idol ako po ay isa rin ninyong masugid na taga subaybay mula po noong Probinsyano lalo na po ngayon sa Batang Quiapo."


"Idol ako rin po ay isa sa mga nangangarap na maging bahagi ng iyong napakagandang programa sa telebisyon ang Batang Quiapo."


"Ako po sana ay humihingi ng kaunting tulong nasa na ay tulongan niyo po ako gusto ko po sanang makabalik sa entertainment industry."


"Matagal na po akong hindi nakakagnap sa mga teleserye at mga movie."


Nagkaroon daw kasi ng sakit si Dillo kaya nahinto siya sa pagtitinda ng mga pagkain tulad ng lugaw, pansit, tinapa, balot at gulay na siyang naging kanyang hanapbuhay ng siya ay na wala sa showbiz.


Dagdag pa niya na, "Ako po direk ay sa ngayon ay wala po akong hanapbuhay, nagkasakit po kasi ako, mula ng magkasakit ako ay natigil na rin po ang aking mga hanapbuhay."


"Ako po ay humihingi talaga ng tulong at sana po tulungan niyo po ako na magkaroon sana ako ng panimula para sa aking pamilya na umaasa sa akin."



Agad naman na nag viral ang kanyang video na paghinngi niya ng tulong sa actor director at producer na si Coco Martin at hindi naman ito na bigo.


Dahil kilala si Coco Martin na matulongin at lalong-lalo na sa mga tulad niyang dating artista na naghihirap na ngayon.







 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo