Nancy Mcdonie Nag-React Sa Relasyon Nina James Reid at Issa Pressman!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Jerome


Hindi napigilang hindi magreact ng isang sikat na Kpop idol na si Nancy McDonie sa pagbubunyag ngayon ng relasyon nina Issa Pressman at James Reid.


Matatandaan nitong kamakailan lang ay isiniwalat na nga nina James at Issa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng larawan na magkahawak sila ng kamay.


Bukod pa doon ay naglabas din ng statement si James ng pagkumpirma sa tunay na relasyon nila ni Issa Pressman.


Ngunit nagreact naman ang Kpop idol na si Nancy Mcdonie dahil matatandaang nalilink sila nitong nakaraang 2022.


Matatandaan din na ilang beses din silang namataan noon sa mga pampublikong lugar sa America at naipakilala na din ni James si Nancy sa kanyang ama.



Samantala ang nasabing reaction nga ni Nancy ay ang pag-unfollow nito kay James Reid.


Makikita kasi na hindi na naka-follow si Nancy kay James na dati naman ay naka followed ito. 


Bukod pa dito ay makikitang naka follow parin naman si Nancy McDonie sa actress na si Liza Soberano, so maliwanag na maliwanag talaga na si James Reid lang ang inan-follow ni Nancy.


Ayon naman sa mga netizens na hindi man naging sila noon ni Nancy ay siguradong may something special umanong namagitan sa kanila noon.


Lumalabas kasi na parang dinesregard nalang bigla ni James si Nancy ng magkabutihan na sila ni Issa Pressman.


Sabi pa ng ibang netizens na, "nagkamali ng babaeng pinili si James Reid dahil kung pagandahan lang ang pagbabasihan y hindi umano masusukat ang kalamangan ni Nancy kay Issa Pressman."


Pero ayon naman sa ibang mga tagahanga ni James na "bagama't mas maganda nga si Nancy ay ibang usapan naman umano kapag mahal mo ang isang tao siyempre siya na ang pinakamagandang babae sa mga mata mo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo