Herlene Nicole Budol Kinumpirma Ang Pagsali Sa Miss Grand International Pageant!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na ng beauty queen at komedyante na si Herlene “Hipon” Budol na sasali siya sa Miss Grand International pageant.


Kinumpirma ito ni Herlene sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” na ipinalabas noong Martes. Inihayag ng Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up at Kapuso actress ang kanyang intensyon na sumabak sa Miss Grand International competition ngayong taon.


“Kung ako ang tatanungin Tito Boy, gusto ko ‘yung gusto ng manager ko naman, so, sasali po ako,” sagot ni Herlene sa tanong ni Tito Boy kung ano ang plano niya sa MGI pageant.


Pinuri ni Herlene ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino, hindi lamang sa kadahilanang binibigyan siya ng tulong kundi pati na rin ang pagtupad sa kanyang mga pangarap sa buhay. 


Ipinahayag pa niya na dahil sa tulong nito naipatayo niya ang kanyang bahay, nagkaroon ng kotse, pagpapagamot sa kanyang lolo, at maging ang nangyaring burol para sa kanyang lola.


“Tinupad niya ‘yung mga pangarap ko na magkaroon ng bahay, sasakyan, mapagamot yung lolo ko, pati yung burol ng lola ko, sinagot niya," pagbabahagi pa ng beauty queen at aktres.


Dagdag pa ni Herlene, “So ‘yung kaligayahan naman po ni Sir Wilbert ‘yung gagawin ko na which is kaligayahan ko rin po ngayon na mapasaya ko naman siya.”


Sa tanong naman ni Boy Abunda kung ano ang qualities na ilalaban niya sa MGI sagot ni Herlene,  “Kapal po ng mukha. Kasi ayun po talaga yung number one puhunan ko sa buhay eh, Tito Boy. Wala po akong kahit anong talent, kapal lang po ng mukha. Bibihira po ‘yun, ‘yung talent na ‘yun.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo