Pokwang Muling Isiniwalat Ang Pagiging Irresponsable Ni Lee O'Brian!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


  Muling ibinida ng celebrity mom na si Pokwang ang video ng kanyang cute na anak na si Malia sa kanyang Instagram account.


"You are my star @malia_obrian," caption ni Pokwang sa kanyang post.


Tila hindi naman mapapalampas ni Pokwang ang isang komento ng netizen kung saan sinabi nitong xerox copy ng ama si Malia at tanging pagka pilya lamang nito ang namana mula sa ina.


"Mommshie pokwang, hawig talaga ng ex huaband mo si malia, ang ganda pero syempre ang pagkapilya eh kay mommy pokwang," komento ng netizen.


Agad namang ipinunto ni Pokwang na hindi niya husband si Lee O'Brian dahil takot umano ito sa mga responsibilidad.


Humingi naman ng paumanhin ang nasabing commenter dahil tila nainis si Mamang sa sinabi nito.


Matatandaan na mula pa noong pagpasok nang taong 2023 naging sunod-sunod na ang pagsisiwalat ni Pokwang sa mga pagkukulang ni Lee bilang partner at ama ni Malia.


Matapos ang mahigit isang taon nilang paghihiwalay inilabas ni Pokwang ang pagka irresponsable ni Lee, kaya naman may ilang netizens  na nagsasabing tila hindi lamang matanggap ni Pokwang na hinding-hindi na siya babalikan pa ni Lee.


Ayon pa sa mga ito na kung walang mabigat na dahilan, bakit ngayon lamang isiniwalat ni Pokwang ang lahat gayung noong July 2022 ay sinabi niyang walang naging problema sa relasyon nila ni Lee.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo