Eruption Bigla Na Lamang Tinanggal Noon Sa It's Showtime!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay na ng pahayag si Eric Tai o mas kilala bilang Eruption sa biglaang pagkawala niya sa noontime show na It's Showtime.


Matatandaan na naging isa sa mga host si Eruption sa nasabing show mula noong 2011 hanggang 2015.


Sa isang panayam ni Julius Babao, inilahad niya ang totoong nangyari sa mga panahong iyon.


Ayon kay Eruption, dumaan sa reformatting ang show kaya biglaan ang kanyang pagkakatanggal.


Papasok na umano si Eruption sa show nang panahong iyon nang bigla na lamang silang ipinatawag ng management. Sa panahong iyon tila alam na umano ni Eruption na may somethimg wrong nagaganap.


Hindi nga siya nagkakamali dahil sinabi umano ng management na dahil sa reformatting na naganap ay hindi na kailangan ng show ang kanyang full service.


Bagama't tinanggal malaki pa rin ang pasasalamat ni Eruption sa show at hindi siya nagbigay ng anumang salita laban sa management at sa kanyang mga kasamahan.


Subalit, inamin niya na habang pauwi ng mga panahong iyon ay napa-isip siya kung ano na lang ang gagawin dahil sa pagtatapos ng kanyang hosting stint.


Narito ang buong panayam ni Eruption kay Babao: https://fb.watch/j0eMZjGMCl/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo