Maegan Aguilar Napahiya Kay Raffy Tulfo Matapos Lumabas Ang Resulta Ng Hair Follicle Testing

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Jerome

 

Resulta ng hair follicle drug testing ni Maegan Aguilar lumabas na, ito at update daw sa paghingi ng tulong ng dating singer sa Raffy Tulfo in Action.


Kung matatandaan ay halos mag-iisang buwan na noong lumapit si Maegan kay Senator Raffy Tulfo, ito'y para makabalik siya sa industriya at magkaroon ng kabuhayan para na rin makuha ang mga anak.


Walang-wala daw siyang pera at kahit na nga daw sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman ay wala daw siyang kakayahan.


May pera man umano ang kanyang amang si Fredie Aguilar ay tiyak daw na hindi siya nito tutulongan, ni hindi nga daw siya makatungtong sa bahay ng kanyang ama dahil hindi pa daw siya nito napapatawad.


Nahabag naman si Senator Raffy at nangako na tutulungan ito. Subalit may isang kondisyon si Senator Raffy Tulfo sa kanya, ito ay mapatunayang hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na druga.


Noon pa nga daw kasi ay napabalita na ang pagkalolong ni Maegan sa nasabing bisyu, pumayag naman si Maegan na mag under go daw ng hairfollicle drug testing, na tila sigurado na siya ay malinis na.


Pero ngayong araw ay lumabas na nga ang result ng kanyang drugtest at siya nga ay nagpositibo, na siya namang ikinadismaya ni Senator Raffy Tulfo. 


Ibig daw sabihin ay hindi parin ito nag babago, nalulong parin siya sa nasabing bisyo.


Pero paliwanag naman ni Maegan ay hindi daw siya adik dahil ang tunay daw na adik ay gumagamit araw-araw.

 

Napa kuwento pa nga siya hinggil dito, at ayon sa kanyang mga paliwanag ay nung kamakailan nga daw bago siya lumapit sa programa ni Senator Raffy.


May tumulong sa kanyang tao, na pinatuloy siya sa tirahan nito pansamantala, siya daw ay inalok nito na gumamit at hindi narin daw siya nakatanggi dahil nahihiya siya.


Pero hindi naman siya iniwan ni ng senador at inalok pa daw siya na magparehab ngunit tumanggi ito dahil sabi niya ay hindi naman daw siya adik.


Pero sumang-ayon naman ito kalaunan na magparehab, dahil sa mga pangako ng Senador na tulong financial pagnatapos niya ang pagpaparehab at siya ay magbago.


Samantala nagsalita na rin ang kanyang amang si Freddie Aguilar hinggil sa problema ng anak.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo