Cristy Fermin Ipinahayag Kung Sino Ang Dapat Sisihin Sa Bashing Na Natatanggap Ngayon Ni Liza Soberano!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng beteran Showbiz Columnist na si Cristy Fermin, sa kanyang regular show na Cristy Ferminute, ang taong may kasalanan sa lahat ng bashings na nararanasan ni Liza o Hope Soberano sa kasalukuyan.


Ayon pa kay Cristy Fermin na ang taong ito ay walang preno sa pagkuda nitong mga nakaraan at tila hindi nag-iisip sa maaring kahihinatnan nito in the future.


Dahil umano sa mga binitiwan nitong pahayag kaya naging katawa-tawa na ngayon sa ilang mga netizens ang aktres na si Liza Soberano.


“At ang una nating paksa, of course, ang ginagawa nang katatawanan ngayon na si Liza Soberano,” pahayag ni Cristy Fermin.


“Ang hirap po kasi dito kay Liza, kuda ng kuda nang di naiintindihan ang kanyang mga sinasabi. Yung mga kinuda mo kinakain mo ngayon,” dagdag pa ni Cristy Fermin.


Samantala, ayon naman kay Romel Chika na nawala na umano ang respeto ngayon kay Liza Soberano at madalas nang pinupulutan ng mga marites at mga bakla ang kanyang pangalan.


“Nakakaloka talaga tong si Liza noh. Biruin mo dati ang dami-dami ng humahanga sa kanya dahil alam natin na almost perfect na sana siya di ba. Tapos eto na, ginagawa na lang siyang laruan."


"Bukambibig ng mga bakla, marites, ng nakakatawang mga eksenang mga sinasabi niya. Yung respeto nawala,” pahayag naman ni Romel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo