Coco Martin, Binansagang ‘the Best Kuya!’

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


Tinatawag ngayon ang aktor na si Coco Martin na 'The Best Kuya' dahil sa pagiging mabuting anak at kapatid nito.


Isiniwalat ng aktor kamakailan na ang ilang parte ng kanyang tagumpay na tinatamasa ngayon ay napupunta sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga kapatid.


Sa isang panayam ni Bernadette Sembrano, sinabi ng aktor na matagal na niyang wish na magkaroon ng sari-sariling bahay at negosyo ang kaniyang apat na kapatid.


“Gusto ko kung ano mang meron ako hindi man pantay, at least gusto ko maayos din sila."


“Ang ginawa ko, pinatayuan ko sila ng kaniya-kaniyang bahay, pero nasa iisang compound kami. Nasa iisang village kami, kaya ang tendency, hindi man kami nasa iisang bahay pero ngayon magkakalapit pa rin kami,” pagbabahagi  ni Coco Martin.


Bukod sa pagbibigay niya ng sariling bahay sa mga ito, binigyan niya din ng mapagkakakitaan ang kanyang mga kapatid.


Labis din ang pasasalamat ng aktor sa mga brand na nagtitiwala sa kanya na binigyan siya ng endorsement at franchise.


“Ginawa ko rin, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagtiwala sa’kin na mga endorsements ko, binigyan ako ng franchise. Binigay ko ngayon sa mga kapatid ko. kaya nagkaroon sila ng mga kaniya-kaniyang negosyo,” sey ng aktor-direktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo