Elisse Joson, Eeksena Sa ‘Dirty Linen’ Pinanggigilan Ng Mga Fans!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely

 Inaabangan na ngayon ng mga fans ng aktres na si Elisse Joson ang kanyang pag-eksena sa hit teleseryeng Dirty Linen ng ABS-CBN.


Marami sa mga tagasubaybay nang nasabing teleserye ang nagulat sa teaser na inilabas sa episode nitong, March 22, kung saan ipinakita ang karakter ni Sophie Madrigales, na siyang gagampanan ni Elisse.


Ang karakter ni Elisse ay ex-girlfriend ni Aidan Fiero na siyang ginagampanan ni Zanjoe Marudo.


“I will make you love me again, Aidan. Walang makakapigil doon kahit na sino,” pahayag ni Sophie sa panibagong teaser ng nasabing teleserye.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga fans ang pagpasok ni Elisse sa teleserye at tila may bagong panggigigilan ang netizens dahil sa malaking posibilidad na maging balakid ang karakter ni Elisse sa mga planong paghihiganti ng karakter ni Janine Gutierrez na si Alexa.


"Grabeeeee lalo akong manggigil neto!"


"Susko po Isa pa yata yan sa dadagdag sa gigil tuwing manonood ng teleserye nato"


"hoy same talaga sila ni macoy puro kontrabida"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo