80'S at Sexy Actress Na Si Angela Perez Pumanaw Na!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Jerome

 


Dating Sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad na 55.


Nito lamang Miyerkules ng Gabi March 29 ay pumanaw na ang dating sexy actress na si Angela Perez. Stroke ang dahilan ng ikinamatay ng actress.


Namayagpag ang kanyang career noon at nakilala siya sa showbiz noong dekada 80.


Sa pamamagitan ng isang post sa social media, ay ibinahagi at kinumperma ng kanyang anak na si Issa Lim ang kanyang pagka wala.


Saad niya sa post, "Miss ko na mga luto mo pagkain, tinitimplahan mo ko ng mga Iced Coffee pag gising ko sa umaga may naka ready na good morning surprise may naka ready na, ako pa yung inaalagaan mo pag may sakit ako, pinaka favorite mong anak, ikaw pinaka mahal ko sa buhay."


"Naging spoiled ako sayo at ikaw lang nakakaintindi sakin pag may mga problema ako at kung bakit wala ako sa mood at ikaw pa yung nagtatanggol sakin pag may umaaway sakin at kinakampihan mo ko lagi."


"Lagi tayo magkakasama, hindi pa naman ako sanay na hindi kita katabi o ka-yakap pag wala ka at mahal na mahal kita sobra Ma." ❤️ 


"Pinaka masakit sakin mawalan ako ng nanay at nawala pa mahal ko sa buhay... 😞😭💔 naniningig ako kakaiyak ko at nalulungkot pa din ako sobra hanggang ngayon 😞😭 💔 I love you so much, Ma..." ❤️


Agad naman na bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizens at kanilang mga kaibigan sa showbiz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo