Backup Singer Ng Aegis Noon Nasa Tabing Tulay Na Lamang Nakatira Ngayon!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely

Babaeng nagpakilala bilang backup singer noon ng Filipino rock band na Aegis, napag-alamang nasa tabi ng tulay na lamang naninirahan ngayon dala ng kahirapan.


Sa isang vlog na ibinahagi ng content creator na si Boy Sardinas TV itinampok niya ang kuwento ni ‘Mace’ na nagpakilalang vocalist at minsang nakatrabaho ang sikat na banda na Aegis.


Ipinakita pa nga niya ang kanyang talento sa pagkanta para patunayan na nagsasabi siya ng totoo.


Dahil sa inilabas na video ng nasabing content creator napag-alaman na nasiraan pala ng bait si Mace at ang nag-aalaga na lamang sa kanyang mga anak ay ang kanyang mga magulang.


“Si Mase yan. Dating taga s amin. Nasiraan ng bait at ang mga anak niya ngayon eh na sa mga lola nila.” 


“Ay hala totoo aegis nga xa hinahanap kupa sa aegis band andun xa sa grupo sayang.”


Samantala, ipinahayag naman ng content creator na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa pamilya ni Mace.


Sa kabilang banda hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Aegis hinggil sa babaeng nagpakilalang dating kasamahan nila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo