Rendon Labador Nagreact Sa Panghihingi Ng Tulong Financial Ni John Regala!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


 Isa ang motivitional speaker at social media personality na si Rendon Labador  sa mga nag-react sa kinakaharap ngayong financial at health problems ng dating aktor na si John Regala.


Si John Regala ay isang sikat na aktor noon. Kilala siya bilang isa sa magagaling na kontrabida sa mga pelikulang Pilipino.


Napasama din si John Regala sa mahigit na 100 pelikula at naging direktor pa. Kaya naman nagulat ang maraming mga netizens nang mapag-alamang nbaghihirap na ito ngayon.


Matatandaan na humingi ng tulong financial si John Regala para sa kanyang pagpapagamot.


Agad namang bumuhos ang tulong mula sa mga celebrities na sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo na personal pang binisita ang aktor at naglunsad ng crowd funding.


Subalit nahinto ang mga tulong na ito kay John Regala nang mapag-alaman na nais gamitin ng dating aktor ang mga perang nalikom mula sa fundraising para sa kanya sa mga bisyo.




“Mga kapatid ko sa industriya ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” pahayag ni John Regala.


Samantala, nagreact si Rendon Labador sa paghihingi ng tulong ni John Regala sa mga taong nasa industriya. Dagdag pa ni Rendon na ang nangyari kay John ay maituturing aral sa lahat ng mga artista.


“Sarili mo lang makakatulong sayo. Masakit na aral to sa lahat ng celebrities! Mag isip kayo ng LONG TERM habang kaya ninyo pa. Magising kayo sa katotohanan,” prangkang pahayag ni Rendon Labador.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo